News Blackout sa impormasyon ng pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam, hindi dapat.

Dapat umanong ipalabas ang anumang impormasyong patungkol sa pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam sa bayan ng San Manuel lalung lalo na sa tinatamaan ng madalas na pagbaha sa Pangasinan.

Ito ang sagot ni Abono Partylist Chairman Engr. Rosendo so, taliwas sa pahayag ni Mayor Ricardo Revita ng bayan ng Rosales, Pangasinan na ang pagkakaroon ng news blackout sa impormasyon ng pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam ay nakakalikha ng panic o pag-alala sa mga tao.

Ayon pa kay So, mas mahalaga na maipahatid ang mga impormasyong may kinalaman sa pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam para may panahon pang makapaghanda ang mga tao sa darating na pagbaha.

Dapat din umanong mas maaga ang pre-emptive release ng tubig bago pa ito umabot sa kritikal level upang maiwasan ang pagpanic ng mga tao. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*