P6M, pinsalang iniwan ng kalamidad sa mga cultured fish sa Dagupan

Umaabot na sa P6 milyong ang iniwang pinsala sa mga cultured fish sa Brgy. Pugaro, dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Alberto De Vera, City Agriculture Technologist ng lungsod ng Dagupan, maaari pang tumaas ang bilang ng mga namamatay na cultured fish lalo’t hindi pa bumabalik sa normal na kalidad ang tubig sa mga kailugan sa siyudad dahil na rin sa naranasang pagbaha noong mga nakalipas na araw.

Sa kabila nito, may mga ilang cultured fish growers sa lugar ang nakikipagsapalaran at umaasang mabubuhay pa ang mga inaalagaang isda tulad ng talakitok, lapu-lapu at malaga.

Pinapayuhan naman ni de Vera ang mga mangingisda na limitahan lamang ang aalagaan at palalakihing isda sa mga buwan ng Agosto hanggang Setyembre dahil mahina ang kalidad ng tubig na dulot ng maulan na panahon. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*