Pagsasa-ayos ng kalsada sa Dagupan, hindi mahahaluan ng pulitika

Hindi umano maaaring hadlangan ng pulitika ang mga isinusulong ng syudad na pagsasaayos sa binabahang bahagi ng Dagupan na dulot ng climate change at iba pang nakakaapekto dito.

Ito ang mariing pahayag ni Mayor Benjie S. Lim sa mga Dagupenyos sa pagtugon sa epekto climate change.

Iminumungkahi ni Mayor Lim, sa kanyang kampanya laban sa environmental degradation, na ang mga kalsada papunta sa mga eskwelahan lalo na sa mga mababang lugar ay kailangang maitaas upang hindi apektado ang pagpasok ng mga bata sa paaralan.

Ipinaliwanag ni Lim na ang pagbaha ay dulot ng high tide sanhi ng pagkalusaw ng mga yelo mula sa North at South Pole ng mundo at dinagdagan pa ng malakas na pag-ulan na epekto rin ng global warming.

Ang ganitong sitwasyon ay nangangailangan ng decisive action at kailangang matugunan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga namumuno sa lungsod at ang taumbayan na walang bahid ng pulitika.

Speak Your Mind

*