Pangasinan, pang-apat na puwesto bilang Top Performing Province sa buong bansa

Umakyat na sa pang-apat na puwesto ang lalawigan ng Pangasinan bilang top performing provinces sa buong bansa matapos itong makapagtala ng Perfect Score na 5.00 sa Development Planning at Human Resource Management and Development.

Base sa report ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang performance ng bawat Government Unit ay ini-evaluate sa pamamagitan ng Local Governance Performance Management System (LGPMS) sa apat na aspeto kabilang dito ang administrative, social, economic at environmental governance.

Pinasalamatan naman ni Governor Amado T. Espino Jr., ang yumaong kalihim na si DILG Jessie M. Robredo sa pagbibigay ng parangal para sa Pangasinan.

Patuloy umanong isusulong ni Gov. Espino ang magandang pamamahala upang makamtan ang misyon nitong gawin ang pangasinan bilang “ The best place to live, work, invest and raise a family.” (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*