Posibleng pag-agos ng tailings pond ng Philex Mining sa San Roque Dam, walang epekto

Tiwala si Mayor Ricardo Revita ng Rosales Pangasinan na walang magiging epekto sa San Roque Dam ang sinasabing pagtagas ng imbakan ng toxic waste o tailings pond ng Philex Mining Corporation sa Tuba, Benguet.

Una rito, maraming mga residente at magsasaka sa lalawigan ang nangamba sa posibleng pag-agos sa San Roque Dam ng kontaminadong tubig ng Philex Mining.

Ayon kay Revita, sa laki ng San Roque Dam kayang-kaya nitong saluhin ang mga tubig na magmumula sa Ambuklao at Binga Dam maging ang Philex Mine.

Hindi rin aniya direktang mapupunta sa Agno River at mga palayan ang mines tailing dahil sa kakaibang design ng San Roque Dam na masyadong malalim ang reservoir at mataas ang spelling way kayat papailalim lamang ito. (dzrd news)

Speak Your Mind

*