San Roque Dam malayo pa sa spilling level

Tiniyak ni Tom Valdez, Vice President for Social Responsibility ng San Roque Power Corporation sa bayan ng Tayug, Pangasinan na malayo pa sa spilling level na 280 meters ang San Roque Dam.

Ito’y kaugnay sa pagbubukas ng flood gates ng Ambuclao at Binga Dam sa lalawigan ng Benguet dulot nang walang puknat na pag-ulan dala ng bagyong Gener na sinasabing ang lahat ng tubig na magmumula dito sa sasaluhin ng San Roque Dam.

Ayon kay Valdez, base sa kanilang latest monitoring, nasa 19 metro pa ang layo ng water level bago maabot ang spilling level at bahagya na rin aniya ang magiging pagtaas sa level ng tubig dahil papalabas na ang bagyong Gener

Dahil dito, wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa naturang dam dahil hindi umano sila magsasagawa ng pagbubukas ng gate ng walang abiso sa mga kinauukulan. (dzrd news)

Speak Your Mind

*