San Roque Dam sa San Manuel, nananatiling sarado ang gate

Nananatiling sarado ang mga gates ng San Roque Dam sa bayan ng San Manuel, sa kabila ng pagbaha sa mga mababang bayan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nasa 259.90 meters ang water level nito na malayo pa sa kanyang spilling o critical level na 280 meters above sea level at inaasahang tataas pa ito kung patuloy ang pagbuhos ng ulan.

Samantala, umapaw na ang Sinukalan River sa bayan ng Sta. Barbara kung saan lumagpas na ito sa kanyang critikal level na 6.5 meters dahil sa ngayon ay nasa 6.70 meters na ito at tumataas pa dahil sa patuloy na pag-ulan.

Dahil dito ay nararanasan ang pagbaha sa mga bayan ng Sta Barbara, Calasiao at maging sa lungsod ng Dagupan dahil sa pag-apaw ng tubig sa Sinocalan River. (dzrd news)

Speak Your Mind

*