1st City Tourism Congress ng Dagupan, kasado na

Kasado na ang isasagawang 1st City Tourism Congress na gaganapin sa People’s Astrodome sa Tapuac District Dagupan City sa darating na biyernes Sept. 14, 2012 na pangungunahan ng Dagupan City Tourism Office at Harlik Productions.

Nakahanda na ang Series of Workshops para sa tatlong araw na Activity ng 2012 Hospitality and Tourism Opportunities Congress na may temang: “Creating Opportunities, Building Lasting Capabilities”.

Ito ay dadaluhan ng mga prominenteng personalidad kagaya nina Mayor Benjie Lim, Gov. Amado T. Espino Jr, CHED-Region 1 Director Caridad Abuan, Former DOT Secretary Richard Gordon, UP-Diliman Prof. Ivan Henares, DOT-Region 1 Director Martin Valera at Sen. Pia Cayetano.

Samantala, lahat naman ng participants ay may pagkakataong manalo ng mobile phones, tablet pc’s, shirts, gift cheques, gadgets at giveaways. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*