Action plan para sa Sinocalan-Dagupan River System Water Quality Management, aprubado na

Inaprobahan na ng mga Board of Directors ng Dagupan ang mga alituntunin at action plans para sa Sinocalan-Dagupan River System Water Quality Management Area (SRDS-WQMA) para mapreserba ang magandang kalidad ng tubig sa nasabing ilog.

Binigyang diin ni Joel G. Salvador, ang Chairman of the Board, ang kahalagahan ng nasabing action plan na sinisigurong mapangalagaan ang mga aquatic resources na maaaring makapag-angat sa ekonomiya ng lungsod at magsisilbing daan para maibsan ang epekto ng climate change

Sinabi naman ni Dr. Leonard Carbonel, ang City Health Officer, ang nasabing action plan ay siguradong makakatulong na masolusyonan ang lahat ng isyu ng sanitation at kalusugan

Sa pagpapatupad ng Sinocalan Dagupan River System (SDRS) WQMA Action Plan, lahat ng LGU’S ay may kontrol na sa pagtatapon ng basura sa Sinocalan River kabilang dito ang Urdaneta City, San Carlos City, Calasiao, Mangaldan, Sta. Barbara, Malasiqui, Binalonan at Binmaley.

Speak Your Mind

*