Anti-rabies campaign ng Dagupan, matagumpay

Muling nagpaalala ang City Veterinary Office ng Dagupan kaugnay sa pagbabakuna bilang pinakamabisang panlaban sa rabies.

Sinabi ni Dr. Michael Maramba, ang OIC City Veterinarian ng Dagupan, na may isang positibong kasong naitala ng kanyang tanggapan sa nakaraang taon at wala namang naitalang namatay.

Inihayag naman ni Maramba na matagumpay ang anti-rabies campaign ng lungsod dahil narin sa suportado ng alkalde kung saan naglaan ito ng sapat na budget para sa programa mula pa noong taong 2001.

Malaki rin aniya ang naiambag ng positibong pakikiisa ng mga residente sa bawat barangay kaugnay sa vaccination program ng syudad. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*