Human Resources Management Practitioner ng Pangasinan, pinarangalan ng Civil Service Commission

Umani na naman ng parangal ang Provincial Government ng Pangasinan matapos itong tanggapin ni Human Resources Management and Development Office (HRMDO) Chief Administrative Officer Janette C. Asis bilang Outstanding Human Resources Management (HRM) Practitioner ng Region 1.

Tinanggap ni Asis ang parangal bilang pagkilala sa kanyang exemplary performance sa pagbibigay ng quality human resource services upang makamtan ng Provincial Government ang mga objectives nito.

Ang parangal ay ibinigay ng Philippine Civil Service Commission (PCSC) sa pagdiriwang ng kanilang 112th PCSC Anniversary. (dzrd news)

Speak Your Mind

*