La Union, isa sa mga Best Performing Province sa buong bansa.

Ang pag-kakaisa para makamit ang kapayapaan, kaayusan at seguridad tungo sa kaunlaran ay naging susi para makuha ang lalawigan ng La Union ang Best Performing Province para sa taong 2011 base sa Local Performance Management System (LPMS).

Ayon kay Gov. Manuel Ortega sa lalawigan ng La Union, ang pagtaas ng tala ng lalawigan  sa ika-anim na puwesto sa taong 2009 at naging pangalawa na sa taong 2011, ay nagpapatunay na may dedikasyon para magkaroon ng epektibo at mahusay na pamamalakad.

Hinikayat pa ng Gobernador ang kanyang mga tauhan sa probinsya na panatilihin pa ang magandang gawi para maging maayos at mapunan ang kakulangan at mawala ang opi-deficiency na nakita ng DILG.

Samantala, dalawa pang probinsya sa rehiyon uno ang nakasali sa Top Ten ang mga ito ay ang Pangasinan No. 4 at Ilocos Norte No. 10.

Para naman sa ibang Local Government Unit, pang No. 9 ang San Fernando City, La Union sa Top 10 City Government at No. 3 ang bayan Santol, La Union, No. 10 ang San Gabriel, La Union para naman sa Top 10 Municipal Government. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*