Massage Training, isinagawa ng OWWA Reg. 1 sa Pangasinan para sa mga OFW Returnees.

Nagpatupad ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional 1 ng limang araw na pagsasanay sa pagmamasahe dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Umaabot sa mahigit siyam na pung Distressed OFW Returnees at kanilang mga dependents mula sa Eastern Pangasinan ang lumahok sa training.

Ang nasabing pagsasanay ay ginanap sa Robert B. Estrella Sr. Memorial Stadium, sa bayan ng Rosales at sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan naman ng isang TESDA accredited trainer na si  Angelo B. Garcia, ang pagtuturo ng wellness massage sa mga OFW returnees. (dzrd news)

Speak Your Mind

*