Pagdagsa ng mga turista dito sa Pangasinan, dapat paghandaan

Dapat umanong paghandaan ang pagdagsa ng mga turista sa lungsod ng Dagupan at lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Benjie Lim sa mga negosyante, local executives, investors at iba pang ngo’s sa naganap na 21st North Luzon Area Business Conference sa CSI Stadia kamakailan.

Sa nasabing pagtitipon, ipakita ni Clark International Airport Corporation President at CEO Victor Jose Luciano, na ang nasabing paliparan ay magiging international gateway sa North Luzon.

Bukod pa dito ang malaking maitutulong ng makukumpleto nang Tarlac, Pangasinan and La Union (TPLEX) Expressway na mag-uugnay sa mag-kakaratig na lalawigan sa luzon.

Sinabi ni Lim na maliban sa river cruise na patuloy na didagsa ng mga turista, pinaplano na rin ng Dagupan ang pag-develop ng mala-Boracay na destinasyon kasama na ang pagpapalakas sa produksyon ng masarap na bangus at special lechon ng Dagupan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*