Pagkuha ng Fare Matrix Sticker sa Dagupan, hanggang katapusan nalang ngayong buwan

Hanggang katapusan nalang ngayong buwan ng Septyembre ang pagkuha ng Regulatory Sticker ng Fare Matrix dito sa lungsod ng Dagupan.

Dahil dito, nagpaalala ang Public Order and Safety Office o POSO sa mga tricycle driver na hindi pa nakakabitan ng bagong Fare Matrix Sticker na kumuha na upang nakaiwas sa multang P500 kung mahuhuling walang sticker.

Ayon kay POSO Chief Robert Erfe-Mejia na mula sa lahos 2,500 na bilangĀ  ng mga lehitimong driver ng lungsod ng Dagupan, mahigit isang libo pa ang hindi nakakabitan ng bagong fare martrix sticker.

Idinagdag naman ni Erfe-Mejia na target nilang mabigyang ang lahat ng mga tricycle driver sa lungsod batay narin sa Ordinace Number 1979-2012.

Samantala, nakapaloob sa naturang sticker ang bagong singil sa pamasahe sa tricycle sa Dagupan kung saan sa unang 3 kilometro, 20 pesos ang singil sa pasahero na sasakay. (dzrd news)

Speak Your Mind

*