Pagsisid ng mga tinaguriang “sisid boy” sa alaminos city, ipagbabawal na

Ipinagbabawal na ang pagsisid sa Lucap Wharf sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan

Ito ay upang maiwasan umano ang pagkasira sa kalusugan ng mga bata na miyembro ng “Sisid Boys”.

Ayon kay Alaminos Tourism Office (ATO) Officer Miguel Sino, ang mga batang miyembro ng sisid boys ay sumisisid sa mga baryang itinatapon ng mga turista.

Umapila ang City Government ng Alaminos sa mga turista na itigil na ang pagtatapon ng coins sa mga sisid boys para hindi na rin sila sisisid.

Nabatid na ang mga magulang ng mga sisid boys ay may mga trabaho kaya hindi na nila kailangan maghanapa buhay sa murang mga edad. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*