Pangasinan, nakikiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day, ibat-ibang aktibidad, nakakasa na

Sinusuportahan ng lalawigan ng Pangasinan ang pagdiriwang ng World Rabies Day ngayong buwan ng Setyembre na layuning mabawasan ang mga kaso ng Rabies Cases sa buong mundo.

Ayon kay Eric Jose Perez, ang Provincial Veterinarian Officer-in-Charge,  maliban sa Rabies Awareness Information Dissemination Campaigns na taunan nang isinasagawa, ang tanggapan ng Provincial Veterinarian ay nagsagawa pa ng iba pang aktibidad bilang pag-observa sa World Rabies Day.

Kabilang sa mga aktibidad ang katatapos na poster and slogan making contest, dog show, film showing at isang open forum kaugnay sa rabies awareness at libreng pagbabakuna ng anti-rabies.

Nakasentro ang selebrasyon sa temang “Working together for a rabies-free Pangasinan.” (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*