236 inmates sa Provincial Jail, nabiyayaan ng milk feeding program

Lubos ang pasasalamat ni Assistant Warden Porferio Cruz ng Provincial Jail sa Lingayen, Pangasinan sa sorpresang pamamahagi ng mga gatas ng Philippine Carabao Center (PCC) sa mga preso.

Sinabi ni Cruz, na nabigyang ng carabao milk ang may 236 inmates sa Provincial Jail na bahagi rin ng kanilang programa na pangalagaan ang mga preso partikular na sa pagkain at maging ang personal hygiene.

Malaking bagay din aniya ang ginawang pamamahagi ng mga produkto ng Philippine Carabao Center sa mga preso dahil matitikman din nila ang mga produkto ng Pangasinan kahit sila ay nasa bilangguan.

Samantala, inamin naman ng Jail Warden na kailangan na ang over all renovation sa Provincial Jail dahil panahon pa ng kasitala ito naitayo, dahil dito, nakikipag-ugnayan na umano sila sa Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Amado Espino para sa naturang renubasyon. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*