47 magsasaka sa Lingayen, tumanggap ng 200-K Farm Assistance

Natanggap na ang mahigit 200 libong pisong livelihood grant para sa 47 magsasaka ng barangay Tumbar sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Personal ibinigay ni Governor Amado T. Espino Jr. kasama si Provincial Employment Services Office (PESO) Chief Alex Ferrer at Second District Board Member Von Mark Mendoza ang cheke mula sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay DOLE Pangasinan Field Coordinator Roda Padua, ito ay bahagi ng Integrated Livelihood Program ng DOLE para pambili ng farm machineries and equipment sa nasabing lugar.

Ang nasabing programa pinondohan ng DOLE para sa mga sectoral groups kagaya ng mga kababaihan, may kapansanan, mga magsasaka, mangingisda at mga Out-of-School Youth (OSY) para makapag-umpisa sila ng kanilang trabaho. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*