Annual Investment Plan ng Dagupan, hiniling na baguhin

Binigyang diin ni Mayor Benjamin S. Lim sa kanyang sulat na isinumite sa Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng tanggapan ni Vice Mayor Belen T. Fernandez, kung saan hinihingi nito na baguhin ang Annual Investment Plan (AIP) ng Dagupan.

Ilan sa mga programang inilatag ni Lim sa kanyang Annual Investment Plan ay ang matugunan o mabigyan ng syentipikong solusyon ang matagal nang problema sa pagbaha, garbage collection at coastal and ecological management.”

Ayon pa kay Mayor Lim, nais niyang mapaunlad ang serbisyo sa operasyon ng One-Stop-Business Services, kung saan dito isinasagawa ang assessment ng mga real properties, kabilang na ang pagpapatupad sa budget ng syudad.

Kabilang din sa tinututukan ni Lim ang kalidad ng edukasyon sa Dagupan, ganundin ang disenteng pabahay para sa mga informal settlers, matugunan ang mga pangangailangan ng mga government employees at higit sa lahat mapanatili ang reputasyon ng syudad bilang isang “Good Housekeeper.” (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*