Balungao Mayor Peralta, naghain na ng COC, magagandang proyekto, tiniyak

Sabay-sabay na naghain ng Certificate of Candidacy (Coc) si Balungao Mayor Philipp Peralta, incumbent Vice Mayor Menda Peralta at walong Councilar kung saan lima dito ay Incumbent Councilors, dalawang Brgy. Captain at isang dati nang kagawad ng bayan.

Matapos ang paghahain ng COC ay nagpasalamat si Peralta sa kanyang mga kababayan dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga ito kanyang panunungkulan.

Tiniyak naman ng opisyal na sama-sama ang kanilang grupo sa pagsusulong ng mga magagandang proyekto para sa ikauunlad ng bayan, kaakibat ang suporta ng mga barangay, at kasalukuyang mga lider ng probinsiya.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin umano ang pagsasagawa o pagpapatupad ng mga proyekto ng bayan kung saan isa na rito ang concreting ng kalsada patungong Balungao Hill Top Adventure. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*