BJMP Dagupan, nagsagawa ng feeding program

Isinagawa ang feeding program ngayong araw ng Bureau of Jail Management and Penology dito ng sa lungsod ng Dagupan, para sa mahigit dalawang daang mag-aaral ng North central Elementary School dito sa barangay Bonuan Gueset.

Ayon kay Jail Officer Michael de Jesus, ang nasabing aktibidad ay kontribusyon ng ahensya sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Oktubre.

Isang mainit na arrozcaldo na may malunggay ang inihanda para sa recess time ng mga bata.

Pumili naman ang school management ng mga mag-aaral na mas higit na nangangailangan ng nutrisyon.

Samantala, itinakda rin ng BJMP ang isang linggong selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week mula sa darating na Oktubre a-bente dos kung saan ibat ibang aktibidad ang inihanda para sa okasyong ito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*