BM Humilde, naghain na ang COC para Mayor ng Alaminos City

Naghain na ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) si 1st District BM Teofilo Humilde sa ilalim ng partidong Masang Pilipino na tatakbo bilang Mayor sa lungsod ng Alaminos.

Kasamang nagfile ng candidacy ni Humilde ang kanyang Vice Mayor na si Cerelo Raboc, kasama din ang pitong mga konsehal kabilang dito ang kanyang anak na si Incumbent Councilor Margielou Humilde.

Inihayag ni Humilde na bagamat hindi pa kumpleto ang bilang ng kanilang partido maging mabilis naman ang pangangampanya nila sa ibat ibang barangay sa siyudad.

Tiniyak pa ng opisyal na maging boses sila ng bawat barangay sa buong siyudad, at maging simbolo ng isang totoong serbisyo publiko na kinabibilangan ng mga mahihirap na mamamayan.

Layunin umano ng kanyang pagtakbo na repasuhin ang master plan ng siyudad, palakasin ang implementasyon ng peace and order, tutukan ang investments, health, infrastructure, education at agriculture at ang pagsugpo sa tinatawag na political dynasty. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*