Braganza, kumpiyansa sa kanyang kandidatura

Kumpiyansa umano si Alaminos City Mayor Hernani Braganza sa kanyang kandidatura kung saan ang magiging katunggali niya si Gov. Amado T. Espino Jr., sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Pangasinan,

Ito’y dahil malaki raw ang kaibahan niya sa mga plataproma ng kanyang mahigpit na katunggali mula sa National Peoples Coalition o NPC.

Ibinahagi ni Braganza, kinatawan ng Liberal Party ang kanyang mga adbokasiya sa lalawigan tulad ng pagpapatupad ng industrial loans, pagpapalakas sa turismo, agrikultura, trade and commerce at maging ang manufacturing industry.

Hihikayatin din umano ni Braganza ang mga Pangasinense at mga Ilokanong maghanapbuhay na sa ibang lugar, na tuluyan nang magsibalikan sa lalawigan para ibahagi ang kanilang mga kaalaman upang makatulong sa mga programa at progreso ng lalawigan. (dzrd news center)

Speak Your Mind

*