City Blood Coordinating Council, naaayon sa City Ordinance ng Dagupan

Sa katatapos lang na induction ng mga bagong halal na opisyal ng City Blood Coordinating Council sa Dagupan ay nagpaabot ng pasasalamat si Vice Mayor Belen Fernandez bilang President ng organisasyon sa mga nakibahagi sa okasyon.

Ayon pa kay Vice Mayor Fernandez, malaking tulong ito para sa lungsod at aniya naayon rin ito sa City Ordinance na akda ni Councilor Maybelyn Fernandez na hinirang namang besi president ng arganisasyon.

Nakapaloob aniya sa nasabing ordinansa na required ang lahat ng mga bayan na sumuporta sa kampanya ng red cross bilang bayanihan spirit sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo.

Nilinaw ng ni Fernandez na hindi makaaapekto ang kanyang posisyon bilang president ng samahan at bise mayor naman sa lungsod dahil independent organization naman daw ito.(dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*