Kauna-unang opisyal ng City Blood Coordinating Council, buo na

Naitatag na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Dagupan ang City Blood Coordinating Council isang samahan na inaasahang magiging daan sa mas matatag na programa ng Philippine National Red Cross at Dagupan City Government.

Bago mag-alas-11:00 ng umaga, Oktubre 15, 2012 ng maganap ang botohan sa PRC Pangasinan Chapter Boardroom dito sa lungsod kung saan labin-isang opisyal mula sa ibat-ibang ahensiya sa siyudad ang naitalagang bagong pinuno.

Nahalal si Dagupan City Vice Mayor Belen T. Fernandez bilang Pangulo, pangalawang pangulo naman si Coun. Maybelyn Fernandez, ng PRC, Secretary naman si Ma. Lilia Sy, ng Metro Dagupan Chamber of Commerce at ang kanyang Asst. Secretrary ay mula sa kinatawan ng Deped na si Noreen Vidal,  si Oliver Rayos ng PAMET Pangasinan ang nahirang na Treasurer, habang ang KBP Pangasinan Vice-Chairman na si Jay Mendoza, Station Manager ng DZRD Sonshineradio bilang Public Relations Officer.

Kabilang din sa mga opisyal sina Dr. Leonard Carbonell ng City Health Office, Rex Lor ng PASCU, Marieta Sorio ng Pangasinan Press Club at P/Chief Insp. Herminigildo Pablico ng Dagupan PNP bilang Board of Director.

Samantala, inaasahang ngayong darating na linggo ang induksyon ng mga unang talagang opisyal ng nasabing council. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*