Crime volume ng Pangasinan, bumaba

Bumaba umano ang crime volume dito sa lalawigan ng Pangasinan ng mahigit 40 porsyento sa 3rd quarters ng taong 2012, kung ikukumpara sa parehong panahon sa nakaraang taon.

Ayon kay Police Supt. Benjamin Ocumen, ang Public Relations Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, may 3,400 crime volume ang naitala mula buwan ng Enero hanggang Setyembre ngayong taon, habang 5,764 ang naitala sa parehong buwan noong taong 2011.

Ang pagbaba ng crime volume sa probinsya ay dahil na rin sa suporta ng komunidad na vigilanteng lumalaban at isinusumbong ang mga krimeng nangyayari sa kanilang lugar.

Ang crime solution efficiency ay naitala ng Pangasinan Police Provincial Office sa 28.91 percent para sa taong 2012. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*