Death threat na natatanggap ni Vice Mayor Manzano ng Alaminos City, normal lamang umano

Hindi umano nababahala si Vice Mayor Cesar Manzano sa mga pagbabantang kanyang natatanggap o death threat kaugnay sa kanyang pagtakbo bilang alkalde sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Ayon sa bise alkalde, normal nalang daw para sa kanya ang ganung pangyayari, kung sa mga giyera nga umano sa labas ng bansa ay wala siyang inuurungan, bakit kailangan pa niyang matakot sa isang pagtatangka lamang.

Alam umano niya kung saan nanggagaling ang mga pagbabanta sa kanya, pero binabalewala lamanng niya dahil ipinapakita lamang umano nito kung gaano karumi ang pulitika sa lungsod

Dagdag pa ni Manzano na kapag ang puno ay maraming bunga, asahan na na maraming pupukol at babato rito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*