Essential Health Care Program sa Pangasinan, nagpapatuloy

Isang ordinansa ang ipinasa ng Sangguiniang Panlalawigan ng Pangasinan para sa implementasyon ng Essential Health Care Program o ECHP ng Department of Health sa mga kabataan lalo na sa elementary sa pagkakaroon ng isang maganda, malinis at malusog na pangangatawan.

Ayon kay Anna Rose Capispisan, Regional Project Officer of Fit for School, isang Non-Government Organization (NGO) Partner/Proponent ng EHCP, itoy mabisang paraan para matugunan ang kalusugan ng mga bata, kasabay na rin ito sa pakikipag ugnayan sa dswd, sa probinsiya at lokal na pamahalaan.

Aniya, ang programa ay magpo-focus umano sa tatlong preventive interventions kabilang dito ang “daily handwashing with soap, daily toothbrushing with fluoride toothpaste, at bi-annual deworming.”

Sa nakaraang taon ay may mahigit na 5,300 na mga estudyante ang sumailalim sa ECHP sa mismong probinsiya ng Pangasinan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*