Fish Cemetery ng BFAR, gagawing tourist attraction ngayon Undas

Gagawing tourist attraction ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang fish cemetery sa humigit kumulang 24-hectare compound ng ahensya na matatagpuan sa Barangay Bonuan Binloc sa nalalapit na paggunita sa Undas 2012.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, Chief of BFAR National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), inisyatibo nilang magkaron ng sariling sementeryo ang mga isdang namatay at nais mabigyan ng maayos na libingan.

Sinabi naman ni Rosario na isa sa mga nakalibing sa nasabing sementeryo ay ang six-foot spinner dolphin na may timbang na 60 kilos, na namatay sa karagat ng Brgy. Buenlag, Binmaley noong April 3, 2010.

Sinimulan umano ang fish cementery noong taong 1999 kung saan nasabat nila ang 1.2-ton at 320-centimeter long whale na pinangalanan nilang Moby Dick at mula noon ay naging patok na itong bisitahin sa sementeryo kahit hindi aaraw ng Undas.

Ipinaliwanag pa ni Rosario na ang ganitong konsepto ay malaking impormasyon sa publiko kung paano pahahalagahan ang mga nilalang sa dagat lalo na ang mga isda.

Sa ngayon, may karagdagang konstruksyon na umano ang BFAR, isang covered-hall kung saan makikita at mababasa ang mga impormasyong nais malaman tugkol sa isang sea creature kabilang na ang isda. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*