Gov. Ortega ng lalawigan ng La Union, tumanggap ng parangal mula sa Deped

Tumanggap ng isang natatanging parangal ng Special School Building Replica Recognition Award si Gov.  Manuel C. Ortega mula sa Deped na pinangunahan ni Deped Sec Bro. ARMIN Luistro at Adopt A School Secretariat noong nakaraang buwan,

 Ito ay sa malawakang pakikipagtulungan niya sa ahensiya na layong magbigay at sumuporta para sa isang dekalidad na edukasyon sa lalawigan ng La Union.

 Tampok ang ilan sa mga high ranking officials ng Deped at mga piling LGU’S ng bansa ang nagsipagdalo sa naturang parangal, naging bokasyon na ni Ortega na suportahan ang mga eskwelahan ng kanyang lalawigan sa pamamagitan ng mga ibat-ibang rekonstruksiyon ng mga paaralan, libraries, donasyon na mga aklat, mga pagsasanay at maging ang supplementary feeding program.

 Maging ang mga out-school-youth na mga kabataan na may edad 25 pababa ay isinusulong din ni Ortega, upang mabigyan ang mga ito ng sapat na kaalaman at magandang bukas, gaya ng pagbibigay ng trainings ka-a-kibat nito ang TESDA. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

 

Speak Your Mind

*