Ilang bahagi ng Pangasinan, nakakaranas ng kakulangan ng tubig

Nagpaalala ang NIA o National Irrigation Administration na magkakaroon ng kakulangan ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa NIA, mahihirapang magsupply ng tubig ang ahensya sa darating na cropping season dahil sa inaasahang El Nino Phenomenon na kakaharapin ng bansa, base rin sa datos ng Pag-asa.

Sinabi ni Engr. Renato Milan, ilan sa nasasakupan ng NIA ang makararanas ng pagkukulang ng supply ng tubig gaya ng Manaoag, Sta Barbara, Villasis, Mapandan, Bialonan at Sison.

Samantalang mas magiging apektado umano ang mga bayan na malapit sa Bayaoan River System na pinagkukunan ng supply ng patubig gaya ng mga bayan ng Natividad, San Nicolas, San Quintin, Sta Maria, at Tayug dahil umano sa pagbaba ng lebel ng tubig kayat ang naging payo ngayon ng NIA ay magtanim nalang ang mga magsasaka ng mga crops na di nangangailangan ng maraming tubig. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*