Induction ng mga opisyal ng Dagupan City Blood Coordinating Council, isinagawa

Pormal nang ginanap ang induction ng mga bagong halal na mga opisyal sa kauna-unahang pagkabuo ng Dagupan City Blood Coordinating Council ng lungsod ng Dagupan, noong October 23, 2012, kaninang umaga sa PRC Pangasinan Chapter Office, Herero Perez Blvd., Dagupan City.

Ang nasabing Induction of Council Officers ay pangungunahan ng Sec. General ng Red Cross na si Ms. Gwendolyn Pang bilang panauhing pandangal.

Ito ang kauna-unahang  Blood Coordinating Council ng lungsod na magiging kaakibat sa mga programa ng Red Cross dito sa mismong lungsod ng Dagupan.

Ang council ay kinabibilangan ni Vice Mayor Belen Fernandez -bilang pangulo, pangalawang pangulo naman si Coun. Maybelyn Fernandez, secretary naman si Ma. Lilia Sy-President ng Metro Dagupan Chamber of Commerce at ang kanyang Asst. Secretrary ay mula sa kinatawan ng Deped na si Noreen Vidal,  treasurer naman si Oliver Rayos ng PAMET Pangasinan, habang ang KBP Pangasinan Vice-Chairman na si Jay Mendoza, ang station manager ng DZRD Sonshineradio bilang Public Relations Officer. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*