Isinagawang SICAT Training ng Sual Power Plant, tagumpay

Kapaki-pakinabang umano ang isinagawang SICAT o (Skills Improvement and Control Analysis Tournament) training kahapon sa mga empleyado ng Sual Power Plant sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Ayon kay Engr. Nick Ramos Jr., ang Power Plant Technical Training Manager, ito ang tanging solusyon para sa effeciency at quality ng kanilang trabaho, at sa pagiging alerto ng mga empleyado sa pagresolba sa kakaharaping problema kung meron man.

Layunin nitong mapadali o mas mabilis nilang matugunan ang kanilang tungkulin kung sakaling may mga aberyang mararanasan sa mga pasilidad at equipments ng planta.

Tinaguriang team energy ang koponan ng mga kasali sa training, mabusisi at may angking galing ang mga myembro ng koponan na binubuo ng mga technicians, control operators at iba pang mga empleyado ng naturang planta. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*