Pagdimolish umano sa commercial streets sa bayan ng Binmaley, pinabulaanan

Pinabulaanan ni Mayor Lorenzo “Enzo” Cerezo, ng bayan ng Binmaley, Pangasinan ang mga akusasyon sa isyung demolisyon sa bayan na hindi umano dumaan sa tamang proseso.

Paglilinaw ni Mayor Cerezo, na alam niya ang kanyang ginagawa at hindi raw niya basta ipinadidimolish ang mga commercial streets na kinalalagyan ng mga stall owners.

Idinagdag pa ng alkalde na wala siya sa posisyon para gawin ito kundi nasa desisyon ito ng korte.

Nabatid na ang nasabing dimolisyon ay isa sa mga 7 significant project ng lokal napamahalaan ng Binmaley kung saan apat na dito ang sinisimulang gawin. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*