Job-seekers, dumagsak sa PESO Jobs Fairs

Isinagawa kahapon ang isang Jobs Fair sa Robinsons Place sa bayan ng Calasiao sa pangunguna ng Provincial Employment Services Office (PESO) kaakibat ng lokal ng pamahalaan ng Calasiao, Pangasinan.

Nais ng ahensya na mailapit ang mga Employment Opportunities sa mga Pangasinenseng naghahanap ng trabaho.

Ang nasabing Jobs Fair ay dinaluhan ng mahigit anim na raang job-seekers kung saan mahigit dalawampung kompanya na binubuo ng tatlong overseas companies at labinsiyam na local agencies ang nag-alok ng mga job vacancies.

Una dito, matagumpay ang isinagawang dalawang Jobs Fair noong October 15 sa Western Pangasinan at October 8 sa Eastern Pangasinan kung saan daan-daang aplikante ang nakakuha na ng kanilang trabaho.

Ayon kay PESO Officer Alex Ferrer, ang nasabing Jobs Fair ay bahagi sa pagdiriwang ng Probinsya sa 23rd National Statistics Month. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*