Kampanya kontra korapsyon, prayoridad ni Vice Mayor Manzano ng Alaminos City

Bukas-palad na inihayag ni Vice Mayor Cesar Manzano ang kanyang mga naging kontribusyon bilang noon na konsehal pa lamang siya at ngayon ay isa nang bise mayor ng Alaminos City.

Ipinagmalaki din ni manzano ang mga naging adbokasiya niya sa kalikasan na nakapagtala sila ng mahigit 4481 libong mga puno para sa “plant a tree world disaster free”

Buo rin aniya ang naging ugnayan niya sa Phil. Red Cross sa mahigit na 20,000 cc o 47 bags ng dugo sa kooperasyon na rin ng kanyang mga nasasakupan, at ang kanyang scholarship grants sa ilang mga college students sa kanyang lugar.

Sa kabuuan, naging malaki ang papel ni Manzano sa lungsod ng Alaminos kung kayat prayoridad umano niya ng kampanya kontra korapsyon dahil kung nagagamit lang aniya sa tama ang paggamit sa pera ng lungsod ay mas maraming proyekto pa ang magagawa. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*