Lakbay Alalay Project, ipinatupad ng Dpwh Regional Office

Nagbigay ng direktiba si Public Works and Highways Engr. Josie Oamar sa lahat ng District Engineers sa pagpapatupad ng kanilang “Lakbay-Alalay” projects simulang ngayong araw oct 31-hanggang nov 5.

Ito’y upang mabigyan ng assistance ang lahat ng mga nagbibiyahe sa pamamagitan ng mga wastong karatula o signages, warning and readable directional signs at mga rerouting signs o advisories ay dapat nakapaskil sa tamang lugar.

Dagdag pa ni Oamar, meron na silang koordinasyon sa PNP, Dept. of Transportation and Communication, Land Transportation Office, at mga local government units para sa proyektong ito.

Kabilang sa mga isinagawang ng DPWH ang pag-alis sa lahat ng mga road obstructions at illegal use of road right of way sa mga kalsada at tulay. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*