Mismanagement sa Hundred Islands, pinabulaanan

Pinabuluanan ni Mayor Hernani Braganza ng lungsod ng Alaminos ang umanoy mismanagement sa Hundred Islands o ang tawagin itong “ambanget”.

Binigyang diin ni Braganza na hindi nagkukulang ang lungsod ng Alaminos sa pagpapaganda ng mga isla, gayunman hindi naman niya maikakaila ang mga negatibong komento sa kabila ng parangal ng lungsod kabilang na ang Hundred Islands.

Pagmamalaki pa ng alkalde na sa ngayon, higit na malinis ang tubig sa lugar kung saan tumataas din ang bilang ng mga turista at nagbalikan na rin ang mga ibon, mga naninirahang paniki at mga unggoy sa naturang lugar.

Idinagdag pa ni Braganza na mas maraming pagkain sa mesa ng mga mangingisda dahil napatigil na rin ang illegal fishing sa Alaminos City. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*