National Simultaneous Public Hearing kaugnay sa pagharang Cybercrime Act of 2012, isinagawa sa Baguio City

Pinangunahan ni Senador Teofisto Guingona ang tinatawag na National Simultaneous Public Hearing sa lungsod ng Baguio kaugnay sa pagharang o pagtuligsa sa Cybercrime Act of 2012,

Nabatid na hanggang sa ngayon ay mainit parin ang isyung ito dahil sa kakulangan ng probisyon sa naturang batas, at maging ang pagkadismaya ng taumbayan dahil sa kawalan nila ng karapatan magpahayag ng kanilang mga hinaing sa networking sites.

Ayon pa sa senador, kailangan ang ganitong public hearing para pukawin pa ang lahat upang maamiendahan ang naturang batas na pumuputol sa karapatan ng mamamayan.

Kaugnay naman sa planong coup de etat laban kay Senate President Juan Ponce Enrile, ay pinabulaanan ito ni TG Guingona na walang ganun pangyayari o plano ang senao laban sa matandang senador. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*