OFW Returnees sa Region1, tumanggap ng Livelihood Grant mula sa OWWA

Nagbigay ng sampung libong pisong Livelihood Grant ang OWWA RWO1 sa 433 na mga OFW’S na umuwi sa bansa dahil sa mga ibat-ibang kaguluhan na nangyayari sa kani-kanilang mga bansang pinag-ta-trabahuhan.

Sa ganitong programa at tulong ng OWWA RWO1 ay malaking ambag para sa na-unsiyaming paghahanap-buhay ng mga OFW sa ibang bansa.

October 24, 2011 mahigit 4.33m finacial grant na ang naipamigay ng ahensiya bilang tulong sa mga ito, tatlumpot anim (36) sa Ilocos, 36 sa Ilocos Sur, 157 sa La Union at 204 namang OFWS sa Pangasinan.

Handa ang ahensya na sumuporta sa anumang balakin ng mga OFW hanggang sila ay muling makabangon sa kanilang buhay.

Nasa programa din ng ahensya ang Entrepreneurial Development Training (EDT) kasama dito ng OWWA ang Department of Trade and Industry (DTI) upang masiyasat ang anumang paunang business o hanap-buhay ng mga OFW na nais nilang simulan, at mabibigyan sila ng kaukulang financial assistance para makapagsimula.

Sasailalaim naman sa project monitoring ng OWWA RWO1 ang lahat ng mabibigayn ng livelihood assistance para sa tuloy-tuloy na paglago ng kanilang hanap-buhay. (Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*