On-line casino sa Dagupan City, ipinasara ni Mayor Lim

Nagpaabot ng kanyang paghanga at pagsuporta si Archdiocese Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan sa marami pang layunin at hangarin ni Mayor Benjie Lim sa kanyang nasasakupan, ang Dagupan.

Itoy dahil sa pagkakasugpo ng Alkalde sa On-Line Casino na pinamunuan ng T2 Raf Electronics Gaming Corporation sa may Perez Boulevard, Dagupan City.

Kaugnay nito nagpasa ng resolusyon si Councilor Luis Chito Samson na kailangan nang maisara ang lahat ng on-line casino sa lungsod, nang walang sapat na resolusyon sa pagpapatuoad ng isang gaming entity.

Nagsiguro naman si Archdiocese Socrates Villegas na nasa kay Lim ang kanyang buong suporta at panalangin para sa matatag na pamumuno nito sa lungsod. ( Jimrey Biosa – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*