Oplan Sita ng POSO Dagupan.., tagumpay sa ipinapatupad na dress code

Naging positibo ang kampanyang oplan sita ng public order and safety office (poso) sa istrikto pagpapatupad ng dress code ng mga tricycle at jeepney drivers sa lungsod ng dagupan.

Ayon kay Poso Chief Robert Mejia, halos abot na sa isandaang porsyento ang sumusunod sa naturang patakaran.

Sinabi pa ni Mejia na dahil sa patakaran na ito, naging mailinis na ang pampasaherong daan kasabay ng pagkalagas ng mga kolorum na mga sasakyan.

Mahigit tatlong daan na rin aniya ang nahuli ng poso na hindi sumusunod sa ordinansa, kasabay narin ang pagtiyak na hindi lang mga tricycle at jeep driver ang kanilang sisitahin kundi maging ang mga bus drivers na may rutang Dagupan. (dzrd nescenter)

Speak Your Mind

*