Pangasinan International Gateway, target ni Braganza

Malaking hamon umano sa magiging liderato ni Alaminos City Mayor Hernani Braganza na muling ibalik ang pagiging pangunahing lalawigan ng bansa ang Pangasinan.

Ito ay buong kumpinsyang pahayag ni Braganza ang tumatakbong Pangasinan governor katandem ni dating PNP at LTO Chief Arturo Lomibao sa bise governador ng Partidong Liberal (LP)

Ayon kay Braganza, minsan nang naisulat sa heograpiya sa taong 5os, 60s, at 70s na isa ang Pangasinan sa pinakamayamang lalawigan ng Pilipinas.

Hangarin umano niyang maging primyadong venue ng mga international convention ang Pangasinan tulad ng Cebu at Davao City na tinguriang International Gateway, dahil ang lalawigan ay napakalapit lamang sa metro manila at kilalang number one tourist spot sa bansa. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*