Pangasinan, isa sa pinarangalan bilang 2012 Gawad Pamana ng Lahi

Nasungkit ng lalawigan ng Pangasinan, lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur, at bayan ng San Nicolas sa Ilocos Norte ang parangal bilang kampeon sa 2012 Gawad Pamana ng Lahi (GPL) dito sa Region 1 at sila ay nominado sa kauna-unahang 2012 Gawad Pamana ng lahi National Level.

Ang Gawad Pamana ng Lahi ay ipinapatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon para sa mas magandang pamamahala sa isang lugar.

Sinabi ni Director Corazon P. Guray ng DILG Region 1 na ang tatlong LGU na nakakuha ng parangal ay nagpakita ng excellent performances sa Local Governance Performance Management System, kabilang dito ang aspetong  administratibo, social, economic at environmental governance, at nasungkit din ang 2012 Seal of Good Housekeeping (SGH) sa Silver Level. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*