Philippine Carabao Center, nagsagawa ng milk feeding program sa Pangasinan Provincial Jail

Pinangunahan ng Philippine Carabao Center (PCC) ang isang milk feeding program sa may 236 na mga preso sa Pangasinan Provincial Jail, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Sa panayam ng sonshineradion, sinabi ni Vilma Gagne ng PCC, na layunin ng nasabing programa na ipakilala at ipagmalaki ang naturang produkto na mismong nagmula sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon pa kay Gagne, maliban sa milk feeding program naging bahagi rin ang pagbibigay kaalaman sa mga inmates na tangkilikin at ipagmalaki ang produktong gatas na mula sa mga kooperatiba sa ibat ibang lugar sa Pangasinan, tulad ng bayan ng San Manuel, San Nicolas, brgy. Teleng ng Urdaneta at Laoac.

Malaki aniya ang posibilidad na maging sentro ang nabanggit na lugar bilang ng produksiyon ng gatas sa lalawigan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*