POSO Dagupan, nagpaalala tungkol sa pagkakabit ng registration stickers

Muling nagpa-alala ang Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan sa mga Public Utility Vehicle (PUV) Operators sa lungsod kaugnay sa pagkakabit ng registration stickers ngayong taon.

Ayon kay POSO Chief Robert Erfe-Mejia, ang mga nagbayad lamang sa One-Stop Business Center (OSBC) ng registration ang kanilang lalagyan ng sticker.

Nagbabala din si Erfe-Mejia na walang paraan para makabitan ng sticker ang isang sasakyang pampasada kundi ang magbayad ng registration fee dahil maari itong i-verify ng POSO.

Ipina-alala din ng hepe ng POSO ang mga kinatawan ng mga jeepney, bus at van operations association ang deadline para sa pagsusumite ng mga dokumento para sa registration ay hanggang oct. 23 lamang. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*