Suporta mula sa ibat-ibang sector, hiniling para sa blood donors

Hinihikayat ngayon ng bagong president ng City Blood Coordinating Council ng lungsod ng Dagupan na si Vice Mayor Belen Fernandez ang mga suporta ng iba pang mga ahensiya ng gobyerno at maging ang pribadong sector na makiisa sa layunin ng Red Cross sa pamamagitan nitong bagong tatag na council.

Maliban sa mga blood donors na irirequire sa kada bayan, ay hinihimok din ng organisasyon ang volunteer work para sa council na maging bahagi nito sa pagpapatupad ng mga hakbangin ng grupo.

Samantalang may mga pagpapasya na maaaring maging database ng mga blood donors/donations ang Dagupan City, ngunit hindi pa ito natiyak sa ngayon ng mga miyembero at pag-uusapan pa ang tungkol sa mahalagang bagay na ito.

Binigyang diin din ng opisyal na ang magiging pondo para dito ay siyang pinagpaplanuhang maamiendahan ng city government, at makipag-ugnayan din sa iba pang mga ahensiya, LGU at NGO’S na pwedeng maging bahagi sa funding ng organisasyon. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*