Tatlong Jobs Fair, ikakasa ng PESO Pangasinan ngayong Oktubre

Magsasagawa ng tatlong Jobs Fair ang Provincial Employment Services Office (PESO) ngayong buwan ng Oktubre, bilang bahagi sa pagdiriwang ng 2012 National Statistics Month ng lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PESO Officer Alex Ferrer nakatakdang isagawa ang unang jobs fair sa Eastern Pangasinan sa araw ng lunes ika -walo ng Oktubre na SM City Rosales kaakibat ang lokal na pamahalaan ng Rosales, Pangasinan.

Isasagawa naman ang pangalawang Jobs Fair sa Western Pangasinan sa susunod na araw ng lunes october 15 na gaganapin sa Golden West College, Alaminos City.

At ang ikatlong Jobs Fair ay gaganapin naman sa Central Pangasinan, sa araw ng martes October 16 na gaganapin naman sa Robinsons Place Calasiao Pangasinan.

Ang Lahat naman umano ng interesadong aplikante ay kailangan lamang magsadya sa mga nabanggit na mga lugar sa itinakdang araw at dalihin ang mga kinakailangang dokumento. ( dzrd news – Apol Montibon)

Speak Your Mind

*