Tourism Best Practices National Award, nasungkit ng lalawigan ng La Union

Nagkamit ng kauna-unahang award ang probinsiya ng La Union sa larangan ng turismo, ang Tourism Best Practices National Award.

Sa panayam ng sonshineradio kay Provincial Infromation Officer Allan Morlagan, ang tagumpay ng lalawigan sa larangan ng turismo partikular na ang La union Surfing Break ay malaking ambag sa aspeto ng turismo sa lalawigan.

Sinabi ni Morlagan na mapabilang lamang ang lalawigan bilang isa sa mga national finalists mula sa isang award giving body ang Associations of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) kasama ang Department of Tourism (DOT) ay sadyang malaking karangalan na para sa probinsiya.

Dagdag pa nito, itoy magsisilbing inspirasyon at daan para sa karagdagang trabaho sa turismo para sa mamamayan ng La Union na aniya’y may karangalan na nagbibigay trabaho pa.

Samantala, ang Surfing Break ay gaganapin sa bayan ng San Juan La Union sa darating na October 26, 27 at 28 2012 kung saan ipinopromote nito ang beach sports tulad ng beach volley ball, kite flying atbp. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*